Selos ka? di naman kayo

  • 0

Selos ka? di naman kayo

Category : Featured Blogs

Assumera lang? Gumising ka!!! Walang kayo. Nakikinig kaba? Well, makinig ka. Ilang araw, ilang gabi, ilang linggo at ilang buwan ka nang ganyan? Alam mo bang hindi healthy yan?

Anxiety noh? Ano pa? Bitterness? Kasi nga hindi ka masaya. Dahil inaasam ng sakim mong puso na sana kayo na lang. Na sana ikaw na lang. Sana ikaw na lang yung kayakap. Sana ikaw na lang yung kapiling. Masakit di ba? Masakit ang katotohanan na di siya mapapasaiyo. Masakit isipin na may mahal siyang iba. Wait! May mahal na mahal na siyang iba. Sobrang sakit ba? Uulitin ko pa. May mahal siyang iba at kahit kelan di ka mag eexist sa paningin niya!! Tanga ka kung di ka pa magigising sa pantasya mo.

Kahit kelan di ka mag eexist sa paningin nya. 

Baka naman iniisip mo napaka harsh ko. No. Ginigising lang kita. Pinapaintindi ko lang sayo ang katotohanan na walang kayo. Bakit ka nagseselos? Maling mali yang nasa isipan at puso mo. Tanggapin mo nalang ang katotohanan na di siya pa sayo. Ayan paulit ulit na lang ako. Nagseselos ka, nasasaktan ka,dahil mahal na mahal mo siya at dahil ipinipilit mo sa utak mo ang hindi naman dapat. Hayyyy buhay nga naman,  yung gusto mo, ayaw sayo. Isa pang hayyyy.. Well, matuto ka na lang tumanggap ng mga pagkasawi sa buhay. Tanggapin mo na lang, na merong mga bagay o tao na di talaga nakalaan para sayo. As positive people always say, “LOOK AT THE BRIGHTER SIDE.” Malay mo merong mas better na nakalaan talaga para sayo. Don’t rush. Learn to wait. Kaya inhale exhale release and let go the negative things from your heart. Relax, chill and be positive.. Your forever is on the way. Baka natraffic lang. 😆😆😆


Leave a Reply